![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_4837393ea85e49ecaac0e630dee68541~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2fdd27_4837393ea85e49ecaac0e630dee68541~mv2.jpg)
Nitz Miralles / Bida
SOBRA ang panghihinayang ng mga fans sa balitang dapat ay magtatambal sa isang Star Cinema movie sina Bea Alonzo at Alden Richards, pero dahil sa covid-19, mauurong ang shooting ng nasabing pelikula. Baka nga next year na magawa ‘yun, kung kailan wala nang virus.
Second movie daw dapat ni Alden sa Star Cinema ang movie na pagtatambalan nila ni Bea after ng very successful na Hello, Love, Goodbye. Dapat din, hindi pa lumalabas ang tungkol sa nasabing project pero dahil mamu-move naman, puwede nang isulat.
Nanghihinayang din siguro si Alden, pero dahil malaki ang tsansa na matuloy pa rin ang movie, isipin na lang niya na matutupad pa rin ang matagal na niyang pangarap na makatrabaho si Bea.
Speaking of Alden, nagpasalamat sa kanya si Fr. Favie Faldas, former Rector ng Don Bosco Canlubang sa donation na ipinadala ng aktor sa fundraising ng Don Bosco Institute of Makati.
Nakatulong si Alden sa three projects ng Don Bosco na ang natulungan ay mga frontliners ng Makati Medical Center, mga homeless sa pag-aalaga ni Fr. Flavie Villanueva at sa pag-purchase ng PPEs para sa mga frontliners ng St. Clare’s Medical Center sa Makati.