Sa iba’t ibang panig ng mundo, nagsisimula na ang pagluluwag at pagbabawas ng mga restriksyon. Nagbubukas na ang mga establisimyento tulad ng shops, salon, eskuwelahan at iba pa. Subalit, kapag nagbalik na ang mga empleyado sa kani-kanilang trabaho, ano ang magiging means of transportation kung kailangan pa ring ipatupad ang social distancing na mabisang panlaban sa COVID-19?
Sa ilang bansa sa Europe tulad ng Paris, may pagbabago na sa mga commuters. Dati sa mga public buses at tren sila sumasakay, ngayon ay nagsasagawa na nang milya-milyang bike o cycling lanes at para sa mga Parisians at isa itong green policy goals dahil mababawasan ang polusyon sa kanilang lugar.
Layunin ng mga French officials na makagawa ng mahigit sa 400 miles ng cycling lanes sa Paris metropolitan area.
Umaasa naman ang Brussels authorities na magagawa na ang 25 miles bike lanes bago matapos ang lockdown para sa 1.2 milyong residente na magbabalik sa kanilang trabaho at sa pagbubukas ng mga shopping stores.
Sa Milan, inanunsiyo na rin noong nakaraang buwan ang pagsasagawa ng 22 miles na bike lanes at pag-expand ng sidewalks.
Sa Netherlands, kasama na ang cycling sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Pinagtutuunan na lamang ng pansin ng kanilang gobyerno ang ilang lugar sa thoroughfares ng paglalagay ng bike lanes.
Kahit sa United States, sa siyudad ng Seattle, isinara ang 20 miles na kalye sa mga kotse para mabigyang-daan ang mga naglalakad at nagba-bike.
Sa France, sinusuportahan ng British government ang cycling. Ang Birmingham, Manchester at Liverpool ay ilan sa siyudad na nabigyan ng pondo para ihiwalay ang cycling routes sa ruta ng mga kotse. Sa Manchester, planong magkaroon ng 70 miles na bicycle at walking lanes.
Maging sa London, dumami na ang bilang ng mga cyclists at para sa kanila, hindi ideal ang public transport dahil nawawala ang social distancing.
Nag-iiba na ng transportasyon ang mga bansa dahil para sa kanila, mas ligtas at kapaki-pakinabang ito, gayundin, mainam na ehersisyo ang pagbibisikleta. Maaaring sa ‘Pinas ay gawin na rin ang ganitong paraan para sa mga commuters sa halip na sa mga public transport tulad ng tren at jeep na nagsisiksikan at halos magdikit na ang mga mukha kapag rush hour at sana ay mapag-aralan ng ating gobyerno itong mabuti.