Erlinda Rapadas / Teka Nga
Nasubaybayan namin noon ang pagsisimula ng love team nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na nagsimula sa Stairway to Heaven kung saan gumanap sila bilang young Jodi (Rhian Ramos) at young Cholo (Dingdong Dantes).
Batambata pa sila noon pero malakas ang kanilang fans. Sina Barbie at Joshua ang ipinantapat noon sa tambalang Bea Binene at Jake Vargas kaya labis ang pagtataka ng marami na pagkatapos magkasama sa ilang serye ng GMA Network ay bigla na lang nawala at tumigil sa pag-aartista si Joshua.
Nabuwag ang love team nila ni Barbie na hindi alam ng kanilang fans kung ano ang dahilan.
Ngayon, kapag natatanong si Barbie tungkol kay Joshua ay wala itong maibigay na malinaw na kasagutan kung bakit bigla silang naghiwalay ng dati niyang ka-love team.
Nagdesisyong magpatuloy sa pag-aaral si Joshua Dionisio nang talikuran niya ang showbiz. Kaya naman sa muling pag-ere ng Stairway to Heaven ay natuwa ang kanilang mga fans ni Barbie.