top of page
Search
BRT

Telecom at media networks, tumulong sa alternatibong pagtuturo


Iminungkahi sa sektor ng edukasyon na gamitin ang teknolohiya upang paghandaan ang alternatibong paraan ng pagtuturo sa gitna ng COVID-19 crisis.

Ayon kay Sen. Bong Go, dahil sa patuloy na hadlang sa physical mobility ng mga mamamayan ang banta ng COVID-19, hinihikayat ang sektor ng edukasyon na bumuo ng mga bagong pamamaraan kung paano makapagtuturo habang sumusunod sa physical distancing.

Ganundin ang mga posibleng online o distance learning programs para sa mga estudyante.

Kasabay nito ay hinimok din ang pribadong sektor, partikular na ang telecommunication companies at media networks na tumulong sa pamamagitan ng pagpapahintulot na magamit ang kanilang platforms para sa educational purposes.

“Gamitin ang teknolohiya na available para sa distance learning tulad ng pagkakaroon ng virtual classrooms. May airtime rin na allotted for educational programs ayon sa batas, puwede po itong gamitin bilang alternative mode of teaching and learning,” dagdag pa ng mambabatas.

Tinutukoy ni Go ang RA 8370 o ang Children’s Television Act of 1997 na nagsasaad na “a minimum of fifteen percent (15%) of the daily total air time of each broadcasting network shall be allotted for child-friendly shows within the regular programming of all networks granted franchises or as a condition for renewal of broadcast licenses hereinafter, to be included as part of the network’s responsibility of serving the public”.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page