top of page
Search
Madel Moratillo​

Religious activities limitado sa 5 katao, Bishop Pabillo pumalag


Hindi praktikal at hindi makatotohanan.

Ito reaksiyon ni Manila Archdiocese Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kasunod ng desisyon ng Inter-Agency Tasks Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na payagan ang mga religious gatherings sa mga lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine

(MECQ) at general community quarantine (GCQ) pero, limitado lamang.

Nabatid na batay sa Section 2 No. 9 ng guidelines na inilabas ng IATF sa lugar na umiiral ang MECQ tulad ng National Capital Region, pinapayagan ang pagsasagawa ng mga gawaing Simbahan ngunit limitado lamang sa lima katao.

"Welcome in a sense na pinapayagan na [religious gatherings] but unwelcoming na ang kanilang limitasyon ay impractical," pahayag ni Pabillo sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Puna ni Pabillo, sa mga tanggapan at iba pang institusyon ay pinapayagan ng pamahalaan ang halos kalahati sa kanilang work force tulad ng mga pabrika ngunit ang mga Simbahan na malalawak ang lugar ay nililimitahan sa lima at sampung katao lamang.

Giit ni Pabillo, hindi makatotohanan ang bilang na iminungkahi ng IATF kaya't dapat nila itong suriin at irekonsidera.

"Gumagawa sila ng desisyon na hindi kinokonsulta ang people at sector concerned," pagbibigay diin ni Pabillo.

Magugunitang nagsumite ang arkidiyosesis ng panuntunan sa IATF sa pamamagitan ng Department of Health dalawang linggo ang nakalipas ngunit walang natanggap na feedback dito.

Mas mabuti aniyang magbigay ang IATF ng alituntunin tulad ng pagpapatupad ng isa o dalawang metrong pagitan ng mga magsisimba sa loob ng simbahan.

Nitong Mayo 15 ay nagtapos na ang enhanced community quarantine kasabay ng pagpatupad ng general community quarantine sa buong bansa maliban sa National Capital Region, Laguna, Bacoor City sa Cavite at Cebu na isinailalim sa MECQ dahil sa naitalang mataas na kaso ng COVID 19.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page