![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_99f27cae1281497f9b9f94cf86525c6e~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2fdd27_99f27cae1281497f9b9f94cf86525c6e~mv2.jpg)
May post si Angel Locsin tungkol sa usaping pagpasok niya sa pulitika sa kanyang Facebook page.
Noon pa man ay binibigyang-kulay na ng iba ang kaliwa't kanang pagtulong na ginagawa niya sa mga Pinoy. Pero, paulit-ulit naman itong itinatanggi ni Angel.
Sa kanyang FB page ay ipinost niya ang isang artikulo na naglalaman ng pahayag niya tungkol sa pagpasok niya sa pulitika.
Sa dami nga naman ng ginawang tulong ni Angel sa mga Pilipino, marami tiyak ang iboboto siya sa eleksiyon kapag tumakbo siya sa kahit anong position. Pero, may ibang plano sa buhay si Angel.
"Angel Locsin says no to running. Hindi natin kailangan ng posisyon para tumulong ," ang caption na nakalagay sa ipinost na article ni Angel sa kanyang Facebook account.
Ganyan din ang laman ng sinabi ni Angel sa isang interbyu sa kanya.
Say ni Angel, "Public servant naman po kami bilang mga artista, eh. I think 'yung buhay naman namin is very public.
"Lahat naman 'tong ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin kundi gusto naming magbigay ng entertainment sa mga tao.
"Pero politics? Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko 'yan."
Hmmm.... let's wait and see.