top of page
Search
BRT

17.1 milyong pamilya, nabigyan na ng SAP cash assistance — DSWD


Tinatayang mahigit 17.1 milyong pamilya na ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hanggang alas-8:00 ng gabi ng Mayo 15, katumbas na ito ng 94.8% na target bigyan ng ayuda ng pamahalaan.

Sa nasabing bilang, higit 4.1 milyon ay Pantawid Pamilya beneficiaries habang 12.8 milyon naman ay mga benepisyaryo na binigyan ng local government units (LGUs).

Nasa 62,028 naman ang public utility vehicle (PUV) drivers ang nabigyan ng tulong-pinansiyal.

Sa ngayon, tinatayang P96.7 bilyon na ang na-disburse na pondo ng pamahalaan para sa SAP.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page