top of page
Search
  • BRT

125 pang Immigration personnel, gumaling sa COVID-19


Karagdagan pang 125 Immigration personnel ang nagnegatibo sa COVID-19.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nakatalaga ang 125 Immigration personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nagsagawa aniya ng ikalawang batch ng rapid antibody-based testing para sa mga nakatalagang Immigration personnel sa NAIA noong Biyernes, May 15, para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

sa ahensiya.

Una aniyang isinagawa ang pagsusuri sa mga nakatalaga sa NAIA at sa main office ng BI.

Plano na rin aniya nilang magsagawa ng pagsusuri sa iba pang tanggapan ng BI sa buong bansa.

Matatandaang noong Abril, 206 Immigration officers sa NAIA at 150 personnel sa main office ng BI ang negatibo rin sa nakahahawang sakit.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page