top of page
Search

'Troll armies' ni Duterte, imbestigahan! — De Lima

Lourdes Abenales​

Inihirit ni Senator Leila de Lima na maimbestigahan sa Senado ang ulat na ginagamit ang pera ng bayan para pondohan ang operasyon ng ‘troll armies’.

Inihain ni De Lima ang Senate Resolution No. 410 para maimbestigahan ang mga pag-aaral sa ibang bansa na nagpaliwanag kung paano umano gumagamit ang administrasyong Duterte ng ‘troll farm’ para sa propaganda at pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

“[There is a need] to conduct an inquiry into the reports of public funds being spent to pay and maintain online trolls to distort and manipulate online information in various social media platforms in order to influence public opinion and political outcomes,” pahayag ng mambabatas.

Nabanggit din sa resolusyon ang pahayag ng US-based human rights group na Freedom House na binabayaran umano ng P500 kada araw ang ilang online users sa Pilipinas para sa operasyon ng mga pekeng social media accounts na sumusuporta kay Pangulong Duterte.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page