Nitz Miralles / Bida
Mabuti at hindi nagalit kay Rhian Ramos ang mga loyal viewers ng Korean drama na Stairway to Heaven dahil sa tweet niyang: “Natatakot ako dahil feeling ko, ang babaduy na ng mga outfit at hairstyle ni Jodi (ang karakter na ginagampanan niya sa adaptation ng GMA-7 sa K-drama."
Si Rhian ang gumanap sa role na Jodi na ginampanan naman ng Korean actress na si
Choi-Ji woo sa Korean version. Noon pang 2003 umere sa South Korea ang Stairway to Heaven at 2009 sa bansa. Ang tagal na nga naman ng gap mula sa first airing at ngayong 2020 na muli itong ipapalabas ng GMA-7.
Pero, hindi na ang fashion at hairstyle nila ang papansinin ng mga viewers kundi ang ganda ng story ng Stairway to Heaven at kung paano sila paiiyakin ng story nito.
Inalala naman ni Dingdong Dantes na gumanap sa role na Cholo, na ang Korean actor na si Kwon Sang-woo naman ang gumanap sa K-drama na Stairway to Heaven, na rito siya unang tumanggap ng acting award, kaya memorable ito sa kanya.
Nangyari ito sa 24th PMPC Star Awards for TV na siya ang nanalong Best Actor.
Sa May 18 (Lunes), at 3:25 PM, muling mapapanood ang Stairway to Heaven sa Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.