top of page
Search
Thea Janica Teh

PCSO nagbigay tulong medikal sa 6,221 na nangangailangan

Bulgarific

Ipinahayag ni PCSO Vice Chairperson and General Manager Royina Garma na sa loob ng isang linggo at hindi inalintana ang bantang panganib ng COVID-19, patuloy na nakapaghatid ng serbisyong-medikal ang iba’t ibang tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa buong Pilipinas sa 6,221 na pasyente na nagkakahalaga ng P63,513,546.57.

Ang tulong-medikal na naipamigay ng ahensya ay para sa naospital, dialysis, chemotherapy, hemophilia at post-transplant medicines na naaayon sa Medical Access Program (MAP) ng ahensya.

Simula Mayo 4-8, 2020, P22,147,432.67 ang naibigay na tulong ng ahensya sa 1,487 na mga pasyente na naopsital, P35, 866,057.36 naman ang ginugol sa mga nagda-dialysis na umabot sa 4,415 na nangangailangan. Para sa chemotherapy, P4,417,404.12 ang inilaan ng PCSO para madugtungan ang buhay ng 227 na pasyente. Samantalang, 92 sa ating mga kababayan ang nakatanggap ng P1,082,652.42 para sa kanilang kailangang post-transplant na gamot.

Ayon kay Garma, sa gitna ng COVID-19 pandemic, hindi nakakalimutan ng PCSO ang mga mahihirap na Pilipino na maysakit, kaya naman patuloy ang ahensya sa paghahatid ng tulong-medikal upang maibsan ang epekto ng COVID-19 sa Pilipino at upang makapagbigay ayuda sa ating gobyerno sa pagsugpo sa nasabing virus.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page