Panibagong pagtaas sa presyo ng petrolyo ang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa Martes
Ayon sa Department of Energy (DOE) posibleng maglaro sa P1.20 hanggang P1.30 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Nasa P.50-P.60 naman ang itataas sa bawat litro ng diesel at P1.35 naman sa kada litro ng kerosene.
Dahilan umano ng price hike ang production cut ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at kanyang mga kaalyadong bansa, at ang panahon ng pagkakaroon ng maintenance shutdown ng mga refineries ng mga kumpanya ng langis.