top of page
Search
Gina Pleñago​

P1,000 ayuda bawat naka-graduate


Makakatanggap ng cash assistance ang 11,000 na graduate students mula sa mga pampublikong paaralan sa Las Piñas City. Ito ay matapos na mag-donate ng P11 million si dating Las Piñas City Mayor Vergel "Nene" Aguilar para sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga nakapagtapos ng kanilang pag-aaral ngayong School Year 2019-2020. Ayon sa Las Piñas City Government, kabilang sa mapagkakalooban ng cash aid ang mga graduate students mula sa elementary, senior high school at Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College (DFCAM) sa lungsod. "Ang financial aid ay para makatulong sa mga graduating students at kanilang magulang na apektado ng krisis,” pahayag ng dating alkalde. Batay sa datos ng lokal na pamahalaan, umabot sa 8,401 ang nagtapos sa elementarya, 2,173 sa senior high school at 284 graduates naman sa DFCAM. Nabatid na tatanggap ng tig-P1,000 cash ang mga nagtapos sa elementarya, senior high school at DFCAM. Ang pamamahagi at pagbuo ng mga panuntunan para sa pamamahagi ng tulong pinansiyal ay direktang pangangasiwaan ng mga pamunuan ng mga pampublikong paaralan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page