top of page
Search
BULGAR

P10-M susuwelduhin ni Kai Sotto sa NBA G League


Tinatayang aabot sa $200,000 o P10 milyon ang susuwelduhin ni Kai Sotto sa kanyang paglalaro sa NBA G League. Ito ay ayon sa ulat ng 247 Sports matapos magdesisyon si Sotto na maging parte ng NBA G League Select program.

Ayon pa sa ulat, ang suweldo ay para sa apat na buwang paglalaro ni Sotto sa 2020-2021 season ng NBA G League. Maglalaro si Sotto kasama ang Fil-Am na si Jalen Green sa Select squad ng liga kung saan mga manlalaro mula sa high school ang parte ng koponan.

Si Sotto ang unang international player na kasama sa Select team ng G League.

Hindi nagbigay ng pahayag si NBA G League president Shareef Abdur-Rahim patungkol sa suweldo ni Sotto ngunit kinagalak niya ang desisyon ni Sotto na maglaro sa liga imbea na sa US NCAA o sa Europa.

“I know he’s kinda been a part of the NBA family coming out through the Jr. NBA and Basketball Without Borders and coaching there in the Philippines. We are happy to continue to be part of this journey,” wika ni Abdur-Rahim.

Matapos niyang maglaro para sa Ateneo Blue Eaglets sa UAAP juniors ay nagtungo na si Sotto sa Amerika upang mag-training sa The Skill Factory na matatagpuan sa Atlanta. Isa sa mga nag-training sa kanya ang dating NBA player na si Chuck Person.

Ayon kay Abdur-Rahim, mas magiging handa si Sotto na maglaro sa NBA dahil sa training na kanyang makukuha sa pagsali sa NBA G League select program. Kasama ni Sotto at Green sina Isaiah Todd at Daishen Nix na pawang mga galing din sa high school.

“We want to see NBA-level talent. We want a player that we are projecting and expect to go forward on their way to the NBA. There are a lot of talented players around the world but not all of them would fit in this program because, at times, they may not be ready for the commitment of preparing for the NBA. We want to make sure that to identify players that are tracking towards the NBA and having the right attitude. And I think Kai fits all of those areas. He comes to us really on his way to do great things. We are happy to be part and continue to be part of the process,” ani Abdur-Rahim.

Plano pa ng NBA G League na kumuha ng mga international players sa Select program ng liga.

“We always have a plan to have our program to improve international players. We are excited to welcome Kai knowing how big basketball is in the Philippines. We hope Kai is an inspiration to younger Filipino players that aspire to play in the NBA and aspire to be in the G League.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page