top of page
Search
Jersy Sanchez

Lalaking nag-workout nang naka-facemask, nag-collapse ang lungs

Naging parte na ng ating pamumuhay ang pagsusuot ng facemask tuwing lalabas ng bahay mula nang nagkaroon ng COVID-19 pandemic. At kahit minsan ay hindi ito komportable dahil natatakpan ang ating ilong o bibig, ginagamit pa rin natin ito bilang proteksiyon sa virus.

Noong Mayo 7, naiulat na isinugod sa ospital ang isang 26-anyos na lalaki sa Wuhan, China, dahil sa chest pains matapos mag-jogging nang naka-facemask.

Bumalik sa normal ang pamumuhay sa Wuhan matapos tanggalin ang lockdown noong ika-9 ng Abril. Dahil dito, gumawa ng paraan si “Zhang Ping”, 26, para manatiling malusog o fit.

Hindi pinansin ni “Zhang” ang hirap makahinga dahil sa facemask, gayundin ang sinasabing may mali rito. Dahil sa kagustuhang makabawi sa workout matapos ang dalawang buwang lockdown, pinilit ni “Zhang” na tumakbo nang 6km sa halip na 3km, gayundin, tumakbo pa ito nang 4km bago umuwi.

Pagkatapos nito, nagkaroon ng chest pains si “Zhang” kaya ito dinala ng kanyang pamilya sa ospital at napag-alaman na nag-collapse ang kanyang lungs o baga dahil sa intense workout habang nakasuot ng facemask.

Ayon kay Dr. Chen Baojun, senior physician for thoracic surgery, na-pressure ng facemask ang lungs dahil sa improper oxygen flow. Ipinaliwanag ni Dr. Baojun na kailangang mag-ingat ng mga taong may pre-existing lung condition kapag nagsusuot ng facemask habang nag-e-ehersisyo.

Sa ngayon, nasa maayos nang kondisyon si “Zhang” at kasalukuyang nagpapagaling pagkatapos ng kanyang operasyon.

Mga ka-BULGAR, magsilbi sana itong aral sa atin na aang pagsasagawa ng safety measures ay para sa kaligtasan at hindi para malagay tayo sa alanganin.

Keep safe, mga beshy! Gets n’yo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page