Nitz Miralles / Bida
May Facebook Live dapat si Kris Aquino kagabi, 8:30 PM, na kanyang ipinangako sa
last FB Live niya na pa-Mother’s Day treat niya. In-announce pa nga ni Kris na mamimigay uli siya ng P5K sa five na tututok sa kanyang FB Live. Konting tulong daw niya para iparating ang kanyang care.
After a few hours, may bagong announcement si Kris, hindi natuloy ang FB Live niya kagabi for health reasons.
“The old me would have ignored my migraine headache, my fibromyalgia, and PMS because we have a SATURDATE. But I’ve learned to really LISTEN to my BODY and prioritize my health. When the weather starts to change, my autoimmune conditions start ACTING up- so kung hindi ko kayanin this Saturday, May 16, let’s make it Monday, May 18- I hope okay pa rin 'yan sa inyo. And since pinaghintay ko kayo, 8 people will get P3,000 each, 5 people will get P4,000 each, and 5 will get P5,000 each from me. #Lovelovelove.”
Ilang oras lang uli ang lumipas, nagbago na naman ang isip ni Kris at tuloy na raw ang kanyang FB Live ngayong Sabado nang gabi, same time, 8:30 PM.
Dagdag pa niya, dedma muna sa mga rashes niya para matuloy lang ang kanyang FB Live dahil gusto raw niyang i-practice ang itinuro sa kanya ng mom niya na tumulong sa kapwa dahil blessed sila ng kanyang mga anak.
Post pa niya, "Para mas marami kayong matulungan ko, 8 of you will get P2500 each from me every night starting this Saturday, Sunday night, Monday night, hanggang Tuesday night. That's from May 16 to 19."
Excited na ang mga makiki-FB Live kay Kris at ngayon pa lang, naghahanda na sila sa isasagot sa tanong ni Kris na… “Tell me why I should choose you.”