top of page
Search
Beth Gelena

KIM 'DI NA NAPIGILAN ANG MGA BASHERS. RUMESBAK


Beth Gelena / Bulgary Files

ISINUSULONG na ng Kongreso ang provisional franchise ng ABS-CBN para muling umere sa darating na Hunyo hanggang October 31, 2020, pero ang mga bashers ni Kim Chiu ay ayaw pa ring tumigil sa pang-aalipusta sa kanya.

Hindi pa rin maka-move on ang mga ito sa mga salitang binitawan ng chinitang aktres hinggil sa pagtatanggol niya nang biglang ipasara ng NTC ang Kapamilya Network.

Maraming Kapamilya artists ang nagsalita sa #LabanKapamilya live streaming, pero tanging ang sinabi ni Kim ang nakaagaw-atensiyon sa mga bashers.

Nu’ng una ay pinalampas ng Kapamilya actress ang mga panlalait ng mga netizens, but lately ay hindi na siya nakatiis kaya rumesbak na rin siya.

Hindi patolera si Kim sa mga bumabatikos sa kanya. Hangga’t kaya niyang magtimpi ay ginagawa niya.

Kaso, sa muli niyang pagbubukas ng kanyang social media account ay may mga komento na naman siyang nabasa tulad nito, “'Yan, ganyan na lang gawin mo kung saan ka magaling. Haha! Umimpis na utak kaka-workout eh.”

Sinagot ni Kim ang commenter, “Sa dami ng sinabi ko! Dalawang oras kaming nagsasalita roon, 'yun lang na-pick-up mo?!! Mas low ka pa sa akin, eh! 'Di naman kita kilala pero kung makapagsalita ka! Sobra ka! Ikaka-proud ba ng nanay mo 'yung sinabi mo?”

Lalong nasaktan si Kim sa isa pang komento ng basher kung saan may kasama pang mura, “DAPAT MO SIGURO I-WORKOUT ANG UTAK MO… LECHE KA!”

“Grabe naman, ate! Inaano po kita para magmura ka nang ganyan???!!! Grabe ka naman po! Sinaktan ba kita?!!! Para magsalita ka nang ganyan! Grabe ka naman!!! Prenu-preno rin!"

Lalong dumami ang mga bashers ni Kim dahil sa kanyang controversial statement nang ikumpara niya ang NTC’s Cease and Desist order sa classroom rules.

“Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero 'pag sinabi, 'pag nag-comply ka na bawal lumabas, pero may ginawa ka sa ipinagbabawal nila, inayos mo 'yung law ng classroom n'yo at sinubmit mo uli, ay, puwede na pala ikaw lumabas.”

Hindi raw kasi in-explain nang mabuti ng Kapamilya actress kung ano ang kanyang punto.

Aminado si Kim na sinusuportahan pa rin niya si Presidente Rodrigo Duterte, pero mas vocal siya sa pagsuporta sa ABS-CBN dahil ‘yun ang kanyang home network.

Sana naman, tigilan na ng mga bashers si Kim. Hindi man masyadong na-explain ng actress ang kanyang sinabi, ang bottomline nu’n ay ipinaglalaban niya kung ano ang para sa kanya ay tama.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page