top of page
Search
BULGAR

Golf, Tennis, Fishing, Boating at Lake Swimming, oks na sa England


Naririnig na sa England ang hampas ng golf club sa unang pagkakataon mula sa halos dalawang buwan na pinairal ang quarantine at ipatupad ang coronavirus lockdown restrictions.

Pero kasunod ng pagluluwag na iyon ay nagdudulot din kahit paano ng kaba sa mamamayang minsan lang sa isang linggo na pinahihintulutang lumabas ng kani-kanilang tahanan, bagamat may 2 metro ang layo ng distansiya ng bawat isa. Ang iba pang sports activities tulad ng tennis, pangingisda, boating at lake swimming ay pinayagan na rin.

May 170 mga miyembro ang nagpa-booked na sa tee-off times nitong Miyerkules sa Hill golf club ng southeast London.

Tanging sa England lang pinayagan ito. Ang mga semi-autonomous governments ng Scotland, Wales at Northern Ireland ay nananatili pa ring “stay home” dahil sa marami pang kaso ng epidemic sa mga nasabing bansa.

Ang U.K. ay opisyal na naitalang may 33,000 na coronavirus related deaths sa Europa, ikalawa sa Estados Unidos. Sinisikap ngayon ng gobyerno na magbalik sigla ang ekonomiya na bumagsak sa 2% sa unang quarter ng taon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page