top of page
Search
BULGAR

Dahil mas unang pinayagan ang cycling, HTV Cup sa Mayo 19 na


Lalarga na ang ika-32 edisyon ng HTV Cup ngayong Mayo 19, ang pinakamatanda at tanyag na karera ng bisikleta sa Vietnam. Tampok sa karera ang 18 yugto na may pinagsamang layong 2,183 kilometro at magwawakas sa Hunyo 7 sa Ho Chi Minh City.

Karaniwan ay sa Abril ginaganap ang karera subalit linipat ito dahil sa COVID-19. Matagumpay ang laban ng Vietnam kontra sa virus dahil wala silang naiulat na namatay at 288 lamang ang kumpirmadong kaso.

Dahil mahigpit pa ang paglakbay sa Vietnam, dalawang banyaga lang na nakatira doon ang kasama sa 84 sikista sa katauhan ng nagbabalik na kampeon Javier Sarda ng Espana at ang Pranses na si Loic Desriac. Si Sarda ay dumating noong Pebrero bago isara ang bansa habang lumipat si Desraic matapos mag-asawa ng taga-Vietnam.

Hahatiin ang 84 siklista sa 12 koponan. Maagang paborito ang Than Pho Ho Chi Minh na kinabibilangan ni Sarda na naninirahan ng walo sa 12 buwan ng taon sa Vietnam at umuuwi ng Espana kung walang karera.

Sikat ang karera ng bisikleta sa Vietnam buhat pa ng panahon na sinakop sila ng Pransiya mula 1887 hanggang 1954. Noong nakaraang Southeast Asian Games sa Pilipinas, nagwagi sila ng dalawang ginto at isang pilak subalit lahat ng ito ay galing sa kanilang koponan ng kababaihan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page