top of page
Search

ABS-CBN reporter, ibinulgar ang naranasan… Jeff Canoy, magbabalita ng bagyo sa Aurora, hinarang sa c

Julie Bonifacio

Ini-repost ni Angel Locsin sa kanyang social media accounts ang post ng ABS-CBN news reporter and host na si Jeff Canoy nu'ng sitahin siya sa checkpoint para mag-cover ng weather news sa Aurora.

Despite the closure, patuloy pa rin ang news team ng Kapamilya Network sa pagre-report ng mga kaganapan sa ating bansa tulad ng Bagyong Ambo.

"Kanina sa checkpoint sa border ng Aurora kung saan ako papunta para mag-cover ng bagyo, pinababa kami ng mga pulis. Sabi ko, 'Luh. Paano 'to,'" simula ng kuwento ni Jeff.

Kinuha raw ang IATF ID ni Jeff at inilista nu'ng nasa checkpoint. At habang hawak daw ng mga pulis

‘yung mga ID nila ay bigla silang kinausap.

“Sir, 'di ba kayo ‘yung nasa bagyo parati?" tanong daw ng pulis kay Jeff.

"Ah, opo, Sir," sagot naman ni Jeff.

“Babalik na ba kayo, Sir?" tanong pa raw ng pulis.

Tugon ni Jeff, pabalik pa lang siya ng Aurora.

“Hindi, Sir. ‘Yung ABS, babalik na ba?” tanong uli ng pulis.

“Aaah. Sana, sir,” sagot daw ng TV reporter.

Ganito pa ang naging daloy ng pag-uusap nila…

"Facebook na lang ba kayo? Hirap ng data dito sa bundok, Sir.”

"Mukha nga, Sir.”

"ABS lang ang malakas ang signal dito. May bagyo ngayon, 'di namin malaman kung ano nangyayari.”

“Hirap nga, Sir, pero ganu'n muna talaga siguro.”

“Sana makabalik na kayo, Sir.”

“Sana, Sir.”

“Hintayin namin balita mo sa bagyo, Sir. Ingat parati.”

“Kayo rin po, Sir. Salamat.”

Para kay Jeff, ang lakas daw maka-"fragile" ng mga ganitong random acts of support dahil sa mga pinagdaraanan ng mga empleyado ngayon ng ABS.

"Salamat, salamat mga Ser! Para sa inyo ang mga balita," caption ni Jeff sa kanyang post.

Inalala rin ni Jeff sa kanyang Instagram post nu'ng nag-apply siya sa ABS-CBN as intern nu'ng taong 2006.

"Pinalad na mapili. Tapos na-assign ako sa news desk para mag-encode ng mga press release na ipinapadala sa mga fax machine.

"Tahimik ako nu'n kasi wala naman akong kilala tapos siyempre, nakakahiya na mapalibutan ng mga batikang journalists sa newsroom. Sabi ko, ''Di yata ako tatagal dahil puro malakas loob ng mga tao rito.' Pero pumasok pa rin ako araw-araw kasi kailangan ko gumradweyt. Mahirap maging working student pero pasok pa rin."

Hindi raw niya namalayan na 14 years na pala ang lumipas.

"Graduate na. Tapos na ang unang dahilan pero tuloy pa rin. Pumapasok pa rin araw-araw.

Pakiramdam ko minsan, ako pa rin 'yung intern na nasa sulok na marami pa ring natututunan.

"Pero iba na ‘yung tingin ko sa mga nakapalibot sa akin. Hindi na sila basta-basta mga mukha. Sila na ‘yung mga taong nakasama ko na sa super-bagyo, lindol, giyera, sumasabog na bulkan at magbasa ng sangkaterbang dokumento.

"Sa chismisan, sa gatungan, sa tawanan, sila na ‘yung kasangga ko magpatumba ng bote sa mga araw na masasaya at araw din na malulungkot."

Kaya raw pala matibay at malakas ang loob ng mga kasamahan niya nu'ng una niya silang makilala ay dahil hindi sila nag-iisa.

"Ang nakapalibot sa isa’t isa ay pamilya. 14 years in service. Here’s to more," pagtatapos ng makabuluhang caption ni Jeff Canoy.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page