Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayong may COVID-19 pandemic.
Marami sa mga sinasabing new normal ay hindi naman talaga bago dahil hindi rin ito isasabuhay ng mga tao. Kumbaga, new normal lang ang mga ito dahil sa COVID-19 at kapag wala nang COVID-19, wala na rin ang sinasabi nilang new normal.
Gayunman, may mga bagay na nasa new normal na mananatili nang matagal at maaaring maging panghabambuhay. Ito ang ating pinag-uusapan ngayon na pagtatanim ng mga gulay at halamang pagkain. Bilang karagdagan, narito pa ang kaalaman tungkol sa pagtatanim ng mga gulay.
Alam n’yo ba na ang petchay ay maaaring anihin pagkatapos ng labing-apat na araw? As in, may petchay ka nang magagamit sa mga lutuing gusto mo.
Subukan mo ito, pero dapat noon pa lang ay iminungkahi na ito ng mga awtoridad dahil ngayong sobra na sa isang buwan ang lockdown, ilang 14 days na ang nasayang kung saan dapat ay may mga petchay noon pa sa bahay.
Gusto mo bang magnegosyo at mabilis na kumita ng pera? Eto na, hindi ito scam dahil may yaman sa pagtatanim ng petchay at dahil 14 days lang ay puwede na itong anihin, hindi ka magtataka kapag humakot ka ng pera sa mga petchay na pananim mo.
Ang petchay ay dapat anihin sa nasabing bilang ng mga araw dahil sa ganitong mga araw, ang petchay ay pinakamasarap at kung lalagpas sa 14 days bago anihin, ang dahon ng petchay ay papait at kapag pinahaba pa ang mga araw na hindi inaani, ito ay matigas at makunat na.
Kaya muli, dapat na malapit lang sa bilang na 14 days ang pag-ani ng mga dahon ng petchay para kumita ng maraming pera.
Ang maganda pa sa petchay ay kung hindi naman ibebenta ay puwedeng bawasan lang ng ilang dahon ng petchay, kumbaga, kukuha lang ng kailangan sa pagluluto, kaya kung may tanim kang petchay tiyak na hindi ka mauubusan ng supply.
Dahil kusang nagkakaroon ng bagong mga dahon ang tinalbusang mga petchay, hindi pa naman tapos ang lockdown at sa totoo lang ay magugulat ang mga tao dahil akala ay luluwag na ang mga awtoridad, pero lalo pang maghihipit ang mga ito, partikular sa mga namamalengke.
Pero kung may tanim na gulay tulad ng petchay, kahit hindi na umalis ng bahay ay may maluluto ka na.
Itutuloy