top of page
Search
Nitz Miralles

Sunod-sunod na piktyur ni Alden na nagbibihis sa tapat ng bintana, pinagpiyestahan ng fans


Nitz Miralles / Bida

Tinawag na ‘thirst trap photos” ang series of pictures ni Alden Richards kung saan nakaupo siya sa bed, nakaharap sa bintana at parang hinuhubad o isinusuot ang white t-shirt. Walang caption ang photos, kaya bahala na ang mga fans ng aktor na maglagay ng caption. At nakakatuwa ang comments ng kanyang mga followers.

Pinagdedebatehan kung sino ang kumuha ng photos ni Alden at kani-kanya rin ng comments ang mga fans. Nabanggit ang mga pangalan nina Sanya Lopez, Daddy Bae, Mama Ten, at sister ni Alden na si Rizza. Mukhang tama ang nag-comment na baka gumamit si Alden ng tripod at naka-set ang timer ng camera.

Samantala, nanawagan si Alden na ipagdasal natin at tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Ambo sa Eastern Samar. Binanggit din nito na magkakaroon ng relief operation ang GMA Kapuso Foundation sa Monday (May 18), kaya kung kaya pa, mag-donate via Cebuana Lhuillier, Metrobank, UCPB, PNB, Banco de Oro at Union Bank.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page