top of page
Search
Govinda Jeremaya

Negatibong kaisipan, nawawala ‘pag uminom ng tanglad tea


Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Ang lemon grass ay mas kilala sa tawag na tanglad.

Lemon grass ang iba pang tawag sa tanglad dahil sa lemon-like odor na nasa kanyang pinag-ubod o sa bahagi sa pagitan ng mga ugat at dahon.

Mabango ang lemon grass, pero mas mabango maganda ang mga benipisyo ng halamang ito.

Noon pa man, ang tanglad o lemon grass ay kilala na sa mga probinsiya at sikat na sikat sa mga herbularyo dahil ito ang mahigpit na inirerekomenda na pampaligo ng mga nanay na bagong panganak.

Noon, ang mga nanganak ay pinapayagang maligo within one month pagkatapos manganak. Hindi man kapani-paniwala, pero ito ay bahagi ng ating kultura sa nakalipas na panahon. Kapag pinayagan nang maligo ang nanganak, obligado siyang maligo gamit ang pinakuluang tanglad o lemon grass.

Minsan, ang paliligo ng mga nangangak ay ang pinakuluang halaman na bukod pa sa tanglad, pero ang tanglad hindi puwedeng alisin sa mga sangkap na pampaligo.

Bukod sa mabango ang lemon grass, ito ay may kakayahang patayin ang mga mikrobyo na nasa katawan ng babaeng nanganak dahil sa tagal ng panahon na siya ay hindi nakapaligo.

Ang nakatutuwa pa sa lemon grass ay ang katohananan na mahirap paniwalaan na ang mabangong amoy ng tanglad ay ikinukonsidera ng mga albularyo na gayuma na may kakayahang pataasin ang level ng libido ng mag-asawa.

May mga pagkakataon din na ang albularyo ay irerekomendang maligo ng tanglad ang ang babaeng hindi magkaanak dahil sa pinaniwalang ang amoy ng tanglad na malalanghap ng babae ay mag-uutos sa kanyang utak na ang mga problema ay hindi mareresolba sa pagkakaroon ng anak.

Bukod sa pampaligo, ang tanglad ay sikat din dahil ito ginagawang lemon grass tea.

Hindi ka ba makatulog ng mahimbing? Tanglad tea ang iyong inumin.

Napansin mo ba na ang iniisip mo ay mga negatibong kaisipan o pananaw? Tanglad tea ang sagot d’yan.

Marumi ba ang iyong tiyan o digestive organ? Uminom ka ng pinaglagaan ng lemon grass.

Ayaw bang bumaba ang blood pressure mo? Tanglad lang ang katapat n’yan.

Marami pang benipisyo ang tanglad, pero may isang nakamamangha sa halamang ito dahil kapag naglagay ka ng dahon sa silid-tulugan o iba pang parte ng bahay ay magugulat ka dahil ang mga lamok ay magsisitakas.

May isa pang nakamamangha sa lemon grass. Kapag masakit ang ngipin mo na kahit uminom ka na ng gamot ay masakit pa rin, subukan mong magmumog ng pinakuluang lemon grass at ang sakit ng ngipin mo ay hindi mo na madarama.

Good luck!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page