top of page
Search
Socrates Magnus

Nakasakay sa barko, pahiwatig na makikipagsapalaran sa malayong lugar at magiging successful

Salaminin natin ang panaginip ni Shiara na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na nakasakay sa barko, tapos biglang may ipo-ipong lumabas sa dagat?

Naghihintay,

Shiara

Sa iyo Shiara,

Ang nakasakay sa barko ay naglalarawan ng katuparan ng pangarap sa buhay. Noon pa man ay iginuguhit na ng mga dakilang alagad ng sining ang paglalayag ng tao sakay ng sasakyang pantubig o pandagat na iniuugnay sa hangaring magtagumpay sa buhay.

Ito ay isang pakikipagsapalaran sa malalayong bayan kung saan ang naglalayag ay may positibong pananaw na hindi magtatagal ay makahaharap na niya ang katuparan ng kanyang mga pangarap.

Noon pa man, kinikilala ng tao na may panganib sa dagat, kumbaga, ang maglalayag o maglalakbay ay dapat nakahandang makaranas ng pagsubok na sa huli ay kanyang malalagpasan.

Ito ang kahulugan ng panaginip na itinatanong mo kung saan inaasahan ng nanaginip na makakamit niya ang anumang mga mithiin niya sa buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page