Maaari nang makabalik para magtinda ang taho at balut vendor sa ilalim ng modified enchanced community quarantine basta't sundin pa rin ang social distancing.
"Alam ninyo kasi kung pinapayagan na 'yung paglabas sa bahay para mag-exercise, tumakbo, magbisikleta, so sa tingin ko po pupuwede na basta huwag lang silang magkumpol-kumpol... iyan po ang iniiwasan natin,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Una nang napaulat na maaaring makuha sa pamamagitan ng respiratory droplet ang Coronavirus Diseases 2019 kaya magiging bahagi ng new normal ang social distancing at ipinagbabawal pa rin ang mass gathering hangga't wala pa ring bakuna laban sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, nakapagtala ang Pilipinas ng 11,876 COVID-19 cases habang 2,337 ang nakarekober at 790 naman ang namatay.