top of page
Search
Mylene Alfonso​

Mahihirap na pamilya sa ilalim ng GCQ, gusto pa rin tulungan ni P-Digong


Gusto pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ang 23 million low-income families sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at enhanced community quarantine (ECQ) ng ikalawang bugso ng cash subsidy.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais ni Pangulong Duterte na humanap ng pondo ang budget department na maaaring ma-realign upang mapasama ang lahat ng mahihirap sa emergency subsidy.

"Ang una niyang sinabi sa akin, sabihan si Secretary Wendel Avisado ng DBM, ang ginamit po niyang salita, ‘tuliin’, tuliin nang mabuti 'yung mga budget ng mga line agencies para malaman kung ano

'yung mga pondo na pupuwede ma-realign at ang gusto talaga ni Presidente, bagamat pinag-aaralan pa, ay mabigyan ng ayuda lahat ng 23 million, whether be it GCQ or ECQ,” sabi ni Roque sa isang panayan.

Nais din umano ng Pangulo na hilingin sa Kongreso na tulungan siya na makahanap ng pondo para sa buwan ng Mayo.

“Pangalawa, pinarating din po niya sa Kongreso, tulungan n'yo po ang ating Presidente kung paano niya mabibigyan ng ayuda ang lahat ng 23 million [families],” wika ng kalihim.

"Pangatlo, nabanggit pa niya na magsisimula na siyang magbenta ng mga propiedad ng gobyerno at meron siyang isang nasabing property, ayaw ko po muna isapubliko pero sabi niya, 'yun siguro ang sisimulan nating ibenta para maibigay sa ayuda,” dagdag ni Roque.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page