![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_c0a0f3510fe7476184b9a0ff4950f49f~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_c0a0f3510fe7476184b9a0ff4950f49f~mv2.jpg)
Umalma si BB Gandanghari sa sinabi ng kapatid niyang si Robin Padilla sa video na in-upload sa social media account ng misis niyang si Mariel Rodriguez.
Hindi nagustuhan ni BB — na matagal nang naninirahan sa Amerika — ang mga sinabi ng 'utol' na si Robin.
"Mabuhay po sa inyo at siyempre po, sa pamilya natin. Kahit kay Bb, Bb, tigilan mo na ang kakatampo. Uh, mahal ka namin. Uh, marami lang nangyari sa pamilya natin nu'ng pumasok ang 2020," pagbati ni Robin kay Bb sa naturang video.
Sa kanyang Mornings with BB vlog sa sariling YouTube channel niya, naglabas naman ng sama ng loob ang dating si Rustom Padilla kaugnay ng naging pahayag ni Robin.
"Tigilan na natin ang public imaging. Tigilan natin ang pagpapaguwapo o pagpapabango at my expense, okay?" panimula ni BB.
Gamit na gamit na raw ang salitang "love" para kay Bb.
"So, kung love ang pag-uusapan at ganu'n klaseng pagmamahal ang sinasabi n'yo sa akin at ipinaparamdam ninyo sa akin, then, maybe this needs a conversation."
Nagsasalita si BB sa harap ng kanyang camera habang nagda-drive paalis ng bahay papunta sa kanyang pinagtatrabahuhan.
"Sa bibig mo na rin nanggaling, Robin Padilla, aking nakababatang kapatid, baka nakakalimutan mo. Haaay, uh, 'yan ang klase ng pagmamahal na sinabi ko sa sarili ko na I think I deserve more. At 'yun din ang sinabi ko na sa pag-ibig, kung gagawin mo akong doormat, huwag na lang. You can have it. But I think I will have a better love.
"Unang-una, ang pinanggagalingan lang nito ay emotional support. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang malaking brouhaha na after I said my piece, no phone call. Really?
"Now, sasabihin mo sa buong mundo na mahal mo ako? Tigilan ko ang pagtatampo? Hindi ako nagtatampo. I'm over it," himutok ni BB na halatang pinipigilan ang pag-iyak.
"Ang pina-process ko ngayon ay 'yung ipinaramdam ninyo sa akin. But I know, in God's grace, I will be over it. Pero hindi na ako nagtatampo, okay?"
Nag-move on na raw siya pagkatapos niyang magsalita at naghintay siya ng tawag. Kaya lang, wala raw tumawag kay BB na kapamilya man lang niya.
Nabanggit ni BB na ikinasama ng loob niya ang pagkakalat ni Robin dito sa 'Pinas na Uber driver lang siya sa Amerika.
"Grabe ka, Robin. Nu'ng panahon na nag-i-struggle ako rito sa Amerika, ano ang ikinalat mo sa Pilipinas? Na nag-u-Uber ako, that's all I do?
"You don't want me to succeed, why? You want me to struggle. You want me to crawl. Why?
"Ngayon na maganda ang takbo ng YouTube ko, you're doing this? Why?
"You can't even call me and say, 'Congratulations, Utol.'
"Magla-live ka to impress the people that I have problem? Why?"
Ibinulgar din ni BB na under attack daw ang Instagram account niya ngayon. Hindi niya sure pero feeling niya, may nang-hack ng kanyang social media account.
"Kahit konting suporta, Robin. Pag-usapan natin ang financial ko kung aabot doon kung gusto mong pumunta ru'n. Kung 'yun ang gusto mong sabihin. Pero emotional support lang ang pinanggagalingan ko. Kung emotional support ang pinag-uusapan, bakit napakadamot mo?
"Hindi mo ako sinuportahan emotionally dito — sa struggles ko rito, sa dreams ko rito.
"(Sa) 50th birthday mo, ano'ng sasabihin mo sa harap ng mga tao? 'Si BB.... ah, huwag muna nating pag-usapan 'yun.'
"Are you diminishing me? You think, what I'm doing here is easy?"
Feeling ni BB, minamaliit siya ni Robin dahil mas marami itong pera sa kanya.
"Robin, hindi nasusukat ng pera ang katatagan ng tao. Baka mas marami ka sa aking pera, oo. Pero baka hindi ka tumagal dito sa Amerika ng isang buwan kung pupunta ka rito nang walang pera.
"Hindi ito paramihan ng pera kaya huwag mo akong insultuhin," kasunod ang malalim na buntong-hininga ni Bb.
"Hindi ako umiiyak. Tapos na. I will not cry here for this family, e…ver! I will not be your doormat anymore. Rustom may have, but I will not. Remember, I'm a Gandanghari.
"Kung ito ang kahihinatnan ng Padilla, I am proudly Gandanghari, honestly."
Sinita rin ni Bb ang post ni Robin sa kanyang IG account noong Mother's Day.
"(Noong) Mother's Day, ano'ng ipinost mo? Piktyur ng manager mo. At buong-ningning mong sinabi na, 'Eto po ang nanay naming lahat.'
"Excuse me! 'Yan ang... uh, oo. Tama. Hindi na nga ako Padilla."
Ang tinutukoy ni BB na manager ni Robin ay si Betchay Vidanes.
Tinawag din ni BB ang atensiyon ni Betchay sa kanyang video at sinabi na tigilan daw siya nito.
"Tigilan n'yo ang Instagram ko. Tigilan n'yo ang pagsasabotahe sa akin.
"Robin, tigilan ninyo. Namumuhay ako nang simple. Hindi ko hinahangad na magkaroon ng milyon.
Huwag ninyong sabotahihin 'yung konting kinikita ko. Hindi 'yun kawalan sa inyo," diin pa ni Bb.
Nilinaw naman ni Bb na wala siyang connect sa manager ni Robin sa lahat ng gusto siyang lapitan.
"Mga magnanakaw ng ideas 'yan. Puwede kong ilaban kahit saan 'yan. Puwede tayong mag-usap d'yan, kahit dito, open forum."
Ang tanging respeto raw na meron siya para kay Robin ay dahil akala niya ay ang mister ni Mariel Rodriguez ang tatayong tatay sa kanilang pamilya.
"Ngayon, ang nanay, pagka-nanay, ibinigay mo ru'n (sa manager ni Robin)? Pati ang nanay natin, pina-nanayan mo na? Why? Siya ba ang nagpakain sa 'yo?" himutok pa ni BB kay Robin na mas binigyang-tribute pa raw ang manager kesa sa kanilang Mommy Eva Cariño.
Samantala, pati si Mariel Rodriguez ay nadamay sa galit ni BB kay Robin.
Sabi niya, "At itong si Talking Mariel, huwag mo akong daanin sa pa-live-live, huh?"
Inamin ni BB na extra income para sa kanya ang pagba-vlog niya. Kaya feeling ng mga netizens, ikinasama ng loob ni BB na hindi siya pinagbigyan ni Robin na mag-guest sa IG Live niya dahil baka raw ang gusto ni Mariel ay sa sarili nitong YouTube channel lang mapanood ang mister.
Ikinatampo rin ni BB na maraming oras si Robin para sa panonood ng Netflix at paglilinis ng playground ng anak pero pagdating sa kanya, ni hindi man lang nga raw siya matawagan ng kapatid para alamin ang kanyang kalagayan sa Amerika.
"Ilang beses na akong nagkasakit dito. Hindi puwedeng ihiga kundi mamamatay ako sa gutom kesa sa sakit," at sa mga panahon nga raw na 'yun ay wala man lang siyang karamay.
Ramdam namin ang mga hinanakit ni BB sa kanyang pamilya at sana lang ay maayos nila ito sa pag-uusap at hindi na lumaki pa ang hindi nila pagkakaintindihan.