top of page
Search
Gerard Arce

Desisyon pa rin ng IATF at DOH ang masusunod sa sports activities

Nakabase sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) ang susunod na hakbang ng Philippine Sports Commission (PSC) hinggil sa pagbibigay ng senyales na ibalik ang lahat ng sports activities sa bansa.

Hindi umano gagawa ng anumang kilos ang pamunuan ng ahensya ng pampalakasan sa magiging kinabukasan ng mga Filipinong atleta matapos naunang iutos nito na ipatigil ang lahat ng kumpetisyon at aktibidades dulot ng pananalasa ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

“Without IATF, without DOH advising us, as head of the Philippine Sports Commission, I will not allow any activities for the athletes, or even going out,” pahayag ni PSC chairman William “Butch” Ramirez sa panayam ng ABS-CBN News. “I must have that authorization that everything is normal. You and I are aware that there is no longer the old normal. There will be a new normal in the coming days,” dagdag nito.

Opisyal ng nakansela ang mga taunang multi-sports event na Philippine National Games, Palarong Pambansa, Batang Pinoy at Asean Paragames, maging ang mga international events gaya ng prestihiyosong 2020 Tokyo Olympics ay iniurong. Tinitignang aabot ng hanggang Disyembre ang pagkansela sa mga sports events sa bansa, kung saan wala ring kasiguruhan ang mga collegiate league tulad ng UAAP at NCAA; at proffessional leagues na PBA at MPBL.

“Being under (the) Office of the President, as the head of the office, it was my position to cancel all activities,” saad ni Ramirez. “Without the authorization of the IATF and the DOH, I will not send any athletes for foreign engagement.”

Idinagdag rin Ramirez na gumagawa na ang mga ito ng mga bagong protocols para sa mga atleta at coaches kung paano pamahalaan ang kanilang aktibidades sa kasagsagan ng pandemya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page