Nakita na ang babaeng COVID-19 patient na tumakas sa isang quarantine facility sa Davao City noong wekeend.
Ayon sa Davao City Government, ang babae ay nahanap ngayong umaga, Mayo 15.
Una rito, inanunsiyo ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumakas ang pasyente sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng pasilidad noong Sabado.
Agad na iniutos ng alkalde na ito ay mahanap kasabay ang alok na pabuya.
Samantala, mas hinigpitan na ang seguridad sa mga health facility sa lungsod.
Naunang ulat: Magbibigay ng P5,000 na gantimpala si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng COVID positive patient na tumakas mula sa kanyang isolation facility noong Mayo 9.
Ito ay upang mahanap si Arani Hajiba, nasa edad 20-24, residente ng Barangay 23-C, Davao City.
Nauna na ring nag-alok ng P5,000 ang barangay kapitan nito na si Wating Usman upang maibalik agad sa kanyang isolation facility ang naturang pasyente.
Dahil dito, P10,000 na ang kabuuang reward money para kay Hajiba.