top of page
Search
Madel Moratillo

2 milyong estudyante sa private lilipat sa public o magda-drop out dahil sa COVID-19 crisis


Tinatayang dalawang milyong estudyante mula sa mga private schools ang inaasahang lilipat sa mga pampublikong eskuwelahan o di kaya'y magda-drop out dahil sa epekto ng covid-19 crisis.

Ito ang inihayag ni Joseph Estrada, managing director ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Estrada, bumaba ng 25% ang enrolment rate sa mga private schools bago pa man nagsimula ang covid-19 pandemic.

Habang ngayong darating na school year ay inaasahan nilang bababa pa ito ng 50 porsiyento.

Isa sa mga maaaring dahilan dito ang epekto sa trabaho ng marami.

Matatandaan na simula nang magpatupad ng quarantine ang pamahalaan ay ipinag-utos din ang pagsasara pansamantala ng mga non-essential industries sa Luzon.

Sinabi naman ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chair Sherwin Gatchalian, na inaasahan na ang dagsa ng mga lilipat sa public school sa pagbubukas ng klase. May polisiya kasi ang Department of Education na dapat ay nasa 20 estudyante lang mula sa 30 hanggang 40 sa isang classroom para matiyak ang social distancing.

Pinag-aaralan na sa Kongreso ang pagpapalawig sa Government Assistance to Students and

Teachers in Private Education (GASTPE) Program na nagbibigay ng cash aid sa mga guro at estudyante.

Tiniyak naman ni Education Undersecretary Jesus Mateo na pinag-aaralan nila kung paano maa-accommodate ang paglipat ng milyong estudyante sa mga pampublikong eskuwelahan.

Umapela naman ang COCOPEA sa pamahalaan na isama ang private school teachers sa social amelioration program.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page