Sampu pang pasyente ang gumaling sa Coronavirus Disease 2019 sa Lungsod ng Las Piñas.
Base sa ulat ni City Health Office (LPCHO) Chief Dr. Ferdinand Eusebio, kabilang sa mga gumaling ang:
57-anyos na babaeng abogado at isang 35-anyos na babaeng doktor, na kapwa gumaling at residente sa Bgy. Pulanglupa Dos;
32 years old na babaeng nurse sa Bgy. Pulanglupa Uno;
80-anyos na babaeng retiree mula Pamplona Uno;
Edad 28 na empleyada na taga-Pamplona Dos;
41 years old na babaeng dietary aide sa Daniel Fajardo;
2-taong gulang na babae sa Almanza Dos;
26-anyos na lalaking engineer sa Talon Tres;
Edad 21 na lalaking medical technologist mula Almanza Uno; at
22-anyos na lalaking nurse na taga-Elias Aldana.
Ani Dr. Eusebio, tuluy-tuloy ang pagsasasagawa ng swab testing sa mga frontliners at residenteng nagpakita ng ilang sintomas ng COVID-19 kung saan target na ma-test ang 150 hanggang 200 kada araw.
"Sa isinasagawa po nating contact tracing na ating natukoy at na-interview ay agad silang ini-schedule ng swab testing upang malaman kung nahawa ang mga ito matapos makasalamuha ang isang pasyenteng nagpositibo sa virus. Sa ngayon, nasa 90% na ang ating naisalang na sa swab test," pahayag ni Dr. Eusebio.
Samantala,ikinatuwa naman ni Mayor Mel Aguilar ang naitalang panibagong paggaling ng kanyang kababayan na senyales ng epektibong pagtugon ng Las Piñas Government sa COVID-19 cases sa lungsod.
Matatandaan na batay sa datos ng Department of Health (DOH), isa ang Las Piñas City sa pitong lungsod sa Metro Manila na nakapagtala ng pinakamabagal na transmission rates ng COVID-19 base sa bilang ng mga araw para magdoble ang infection rate sa 7.16 days.