Bulgarific
“Kering-keri sa Villarica.” Manatiling positbo ang bagong mensahe ng Villarica. Sa harap ng problema, hinihikayat ng Villarica na good vibes ang pairalin. Kamakailan ay opisyal na pinakilala ng Villarica ang bago nitong ambassador – walang iba kundi ang “Unkabogable Star” na si Vice Ganda. Siya ay tinanggap ng mga opisyal na sina: Vice-President for Operations Lester Villarica (pinakakaliwa), President & General Manager Mr. Henry Villarica (4th mula kaliwa), at Vice-President for Legal Affairs Atty. Hailey Villarica-Ong (pinakakanan). Sinaksihan ni Meycauayan City Mayor Linabelle Ruth Villarica (2nd mula kaliwa) ang okasyon. Ang Villarica ay may mahigit nang 500 branches sa buong bansa na makakatulong sa ating agarang pangangailangan ng cash.
Sa kabila ng mga hamon sa buhay, yung mga paghihirap, kalungktan, mapaligiran man tayo ng mga taong negatibo – ang Villarica ay pinapaalalahanan tayo na manatiling positibo at masaya sa buhay.
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging masiyahin at matatag. Mainam na lagi itong isaisip. Sa pagiging positbo, makakapagisip tayo nang malinaw at nang tamang desisiyon o kilos. Hindi lang natin matutulungan ang ating sarili. Maaring maapektuhan din natin ang iba ng mabuti. Maaring mabuhayan sila ng loob at mabigyan natin ng inspirasyon na harapin din ng positibo ang mga hamon ng buhay. Makakapagpalaganap tayo ng good vibes.
Kilala para sa kanyang natatanging abilidad magpasaya at talas ng pagiisip, pinapanindigan ni Vice Ganda ang mensaheng ito ng Villarica. Sya man ay dumaan sa mga pagsubok. Nagsimula sa ibaba at nagsumikap para marating ang kanyang estado ngayon. Pinapatunay ni Vice na ang kanyang tagumpay daw ay dahil sa kanyang pagiging positibo. “Mahalaga ang pagkakaroon ng positive outlook sa buhay,” wika nya.
Tulad nang paraan ni Vice na makatulong sa pamamagitan ng pagpapasaya at pagpalaganap ng good vibes, ang Villarica man ay nagpupursigi makatulong para ang mga tao ay manatiling positibo sa gitna ng mga suliranin, mas lalo na sa pangangailangan ng cash. Kaya huwag nang mamroblema pa. Kering-keri daw yan.
Ngayon sa ika-66th na taon ng Villarica, meron na itong mahigit na 500 branches nationwide. Napapanatili nya ang kanyang posisyon bilang isa sa mga pangunahing pawnshop at paboritong money remittance (“cash padala”) at money changer outlet. Ilan pa sa kanilang pangunahing serbisyo ay ang bills payment, POS withdrawal, auctioned jewelry selling, at loading station.
Kaya no to worries, no to stress. Kung kailangan ng cash ngayon, punta na sa Villarica. May paraan sila para makatulong. “Kering-keri sa Villarica!”
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo