top of page
Search
Lolet Abania​

Pinakamatandang babae sa Spain, nakarekober sa covid-19


Sa edad na 113, si Maria Branyas, ang pinakamatandang babae sa Spain na hindi nagpagupo sa sakit bagkus ay nakarekober sa mapanganib na coronavirus o covid-19.

Nanatili si Branyas ng ilang linggo sa kanyang isolated room sa nursing home sa Olot, na nasa northeastern region ng Catalonia, matapos makaranas ng mild symptoms ng Covid-19. Subalit, nitong linggo lamang ay idineklara na siyang magaling ng mga doktor.

Matapos malampasan ang sakit, masayang nasabi ni Branyas sa local Catalan television, "very good", tungkol sa nararamdaman niya sa ngayon.

Labis din ang pasasalamat ni Lola Branyas dahil sa patuloy siyang nabubuhay sa tulong ng mga nag-aalaga sa kanya, aniya "with very good people and in good company."

Sa hiwalay na video na inilabas ng newspaper na La Vanguardia, isang nars ang nagtanong kay Lola Branyas kung ano ang masasabi niya tungkol sa virus.

"It's a very big shame for everybody," sabi niya.

"As to understanding where it came from, and how and why, it seems to me that very few people know that."

Samantala, isinilang si Branyas sa San Francisco noong 1907. Nagdesisyon ang pamilya niya na bumalik na sa Spain noong 1915, matapos na ang kanyang ama, na isang journalist ay magkasakit ng tuberculosis na kalaunan ay namatay.

Ayon sa anak niyang si Rosa Moret, hindi nagkaroon ng kahit na anong matinding sakit ang kanyang ina (Branyas) at wala rin siyang matandaang nabalian ng buto o napilayan man lang ang nanay niya. Dalawang dekada na masayang namumuhay si Branyas sa nursing home.

Gayunman, hindi pinapayagan ang mga kamag-anak ni Branyas na makita siya magmula pa noong March 4, na sana ay ipagdiriwang nila ang kanyang kaarawan. Sa ngayon, naghihintay ang relatives ni Branyas na mabigyan ng clearance para siya ay madalaw na muli.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page