top of page
Search
Mylene Alfonso

OFWs, puwede nang i-deploy — P-Duterte


Pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na mai-deploy abroad ang mga land-based and sea-based overseas Filipino worker (OFWs) sa kabila na nagpapatuloy pa ang banta sa Coronavirus Diseases 2019.

"Ang mga land-based at sea-based na OFWs ay papayagan pong umalis para sa abroad," ani Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual press briefing.

Kinakailangan lamang aniya ng mga OFWs na pumirma sa declaration form na batid nila ang peligrong susuungin sa ibang bansa.

Hindi naman kasama sa deployment ang mga OFWs na nagtatrabaho sa health care services bilang pagtalima na rin sa deployment ban na ipinatupad ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa processing ng OFW deployment na maglagay ng green lanes para mapadali ang proseso at pagpapadala ng mga OFWs sa ibang bansa.

Kaugnay nito, pinayagan na rin ng pamahalaan na makabalik na sa operasyon ang mga recruitment at placement agencies sa mga lugar na nasa ilalim ng general at modified community quarantine.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page