top of page
Search
Erlinda Rapadas

Negang-nega sa netizens sa pagtatanggol sa ABS-CBN… Coco, nakahanap ng kakampi laban sa mga bashers


Erlinda Rapadas / Teka Nga

To the rescue si Michael de Mesa kay Coco Martin na sinentruhan ngayon ng mga banat ng mga bashers matapos maging sobrang emosyonal ang bida sa Ang Probinsyano dahil sa biglaang pagpapahinto ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN last week para mag-broadcast dahil sa expired na prangkisa.

To the highest level at umuusok sa galit si Coco sa mga taong nasa likod ng NTC. Hindi raw ito makatarungan at isang tahasang pagsikil sa press freedom.

Nag-aalala si Coco para sa 11,000 na empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng hanapbuhay. Paano na raw ang mga pamilya ng mga ito?

Buwelta ng ilang netizens kay Coco, emote siya nang emote, eh, hindi raw muna inalam kung ano talaga ang problema/pagkukulang ng ABS-CBN kaya naipasara. Pati Pogo (Philippine Offshore

Gaming Operator), idinawit pa niya sa usapin ng ABS-CBN.

Ang magaling na aktor na si Michael de Mesa na kasama ni Coco sa Ang Probinsyano ang nagtatanggol ngayon sa aktor.

Aniya, napakabait at matulungin ni Coco sa mga maliliit na manggagawa sa pelikula at marami siyang natulungan sa Ang Probinsyano.

Sa tagal na nilang magkasama sa serye na umabot na nga sa halos limang taon sa ere, nakilala na nang husto ni Michael ang ugali ni Coco at naging matalik na silang magkaibigan.

Kaya kung may mga namba-bash man ngayon kay Coco Martin, masuwerte pa rin siya dahil may mga totoong kaibigang handang dumamay, sumuporta at magtanggol sa kanya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page