top of page
Search
Mylene Alfonso​

Maliban sa Metro Manila, Laguna at Cebu City... Buong bansa, isasailalim na sa GCQ — Palasyo


Mananatili sa general community quarantine (GCQ) ang buong bansa maliban na lamang sa Metro Manila, Laguna at Cebu City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na idedeklara ang GCQ sa Mayo 16 kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila, Cebu City at Laguna sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ginawa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases.

"Lahat ng parte ng Pilipinas, maliban sa Metro Manila, Cebu City at Laguna ay mapapasailalim sa general community quarantine, base sa IATF Resolution No. 35-A. Ipatutupad ito simula May 16, kasabay ng modified enhanced community quarantine sa tatlong nahiwalay na mga lugar,” pahayag ni Roque.

Nabatid na ipinatutupad ang ECQ sa buong Luzon region hanggang May 15.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page