Inihihirit ng ilang world leaders na gawing libre para sa lahat ang gamot sa Coronavirus Disease 2019.
Sa sulat na ipinadala sa World Health Assembly (WHA) ng ilang world leaders tulad nina South African President Cyril Ramaphosa at Pakistani Prime Minister Imran Khan, hiniling nila na gawing libre sa buong mundo ang gamot sa COVID-19 sakaling maimbento na ito.
Ang mabubuong bakuna ay dapat umanong hindi i-patent at ang siyensya sa likod nito ay dapat na ibahagi rin sa buong mundo.
"Governments and international partners must unite around a global guarantee which ensures that, when a safe and effective vaccine is developed, it is produced rapidly at scale and made available for all people, in all countries, free of charge," nakasaad pa sa sulat.
Una nang sinabi ng Sanofi, isang pharmaceutical company na ire-reserve nila ang unang batch ng gamot sa COVID-19 para sa United States kapag naging matagumpay ang kanilang vaccine research dahil malaking pondo umano ang ibinigay ng US sa kanila para rito.