top of page
Search
Vinia Vivar

Joyce, ipinagsigawang hindi pa sila nakakapag-honeymoon ng mister dahil sa COVID-19


Ibinahagi ng Kapuso star na si Joyce Ching ang mga bagay na excited siyang gawin pagkatapos ng enhanced community quarantine. Ilan sa mga ito ay ang pumunta sa church at bisitahin ang kanyang pamilya.

Kuwento niya, “Sobrang na-miss ko talaga 'yung you'd go to church with your family, kasama 'yung buong church community, buong congregation."

Dagdag pa ng Kapuso actress, "Ang tagal naming hindi nagkikita (ng family ko) because of ECQ. Sa family ko usually talaga, weekly kaming nagkikita because of church or minsan, kumakain kami.”

Excited na rin si Joyce na mag-honeymoon sila ng kanyang non-showbiz husband since bagong kasal pa lang halos sila. Subalit upang makasiguro sa kanilang kaligtasan, baka matagalan pa muna bago sila matuloy sa kanilang honeymoon.

"Hindi pa kami nakakapag-honeymoon ng husband ko. Most probably, hindi pa rin naman kami makakatuloy because of Corona Virus,” sey pa niya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page