Kahit isang Kapuso actress si Jennylyn Mercado, hindi siya nakatiis na hindi ipagtanggol ang ABS-CBN at mga Kapamilya stars sa pinagdaraanan ng mga ito ngayon.
May mga kaibigan din kasi si Jen sa Kapamilya Network at ilang beses na rin siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema na movie production arm ng ABS-CBN.
Sunud-sunod ang posts ni Jen last Wednesday sa kanyang official Facebook fan page.
Una niyang post: “With all the negativity that is happening in social media, let us all remember to respect each other. All our opinions are valid. Just because you disagree with the opinion of others, doesn’t give you the right to belittle or make fun of anyone.
“Our enemy is not each other, but the virus,” post ni Jen.
May nag-comment na netizen ng “Ya the virus not the drama of ABS-CBN artista. Ampalaya ako, bakit ba?”
Sinagot ito ni Jen, “Pasensiya na po. But you are missing the point. What if you put yourself in their position? 'Wag po nating gawing katawa-tawa ang pinagdaraanan nila. Mali po 'yun.”
Pagkatapos nito ay muling nag-post ang Kapuso Ultimate Star at aniya, dapat daw ay pantay-pantay sa batas.
“'Pag sinabing 'No one is above the law,' dapat siguraduhin na lahat.
“If anyone violates any guidelines, dapat mabigyan sila ng karapat-dapat na parusa na nauukol sa batas, regardless of their position, power, or political influence.
“Lahat tayo ay pantay-pantay,” pahayag ng aktres.
In-screenshot din ng aktres ang komento ng basher na sinagot niya at sa caption ay inilagay niyang hindi welcome ang mga taong nagkokomento ng ganu'n sa kanyang page.
“People who comment like this are not welcome in this page.
“Bilang tao, dapat nagtutulung-tulong tayo na i-uplift ang isa’t isa lalo na ngayon na may pinagdaraanan tayong krisis. Hindi 'yung pagtawanan o i-bash ang kapwa.
“'Yan ang unang itinuro sa 'kin ni Mama Lydia ko, ang maging mabait sa kapwa.
“No one has any right to be mean to any other human being.
“Nakalimutan na ba nating maging makatao?” pahayag ni Jen.
Kaya naman ini-repost lahat ito ng Kapamilya online world at nagpasalamat sa aktres.
Samantala, bukas (May 15) ay kaarawan ni Jen at simple lang niya itong ipagdiriwang sa kanyang bahay kasama ang kanyang pamilya. Simple but meaningful.
For her birthday ay magbe-bake ang aktres ng kanyang sariling cake. Bongga!
Happy birthday, Jen!