Tumama na sa kalupaan ng San Policarpio, Eastern Samar ang Bagyong Ambo alas-12:15 ng tanghali.
Sa ipinalabas na severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong alas-2:00 ng hapon, patuloy na kumikilos ang Bagyong Ambo patungong hilagang bahagi ng Samar province at inaasahang magbubuhos ng matinding pag-ulan at malakas na hangin.
Ayon pa sa PAGASA, maaapektuhan ng eyewall ng bagyo sa mga susunod na oras ang northern portion ng Samar at southern portion ng Northern Samar.
Sa pagtataya pa ng weather bureau, asahan ang matinding pag-ulan sa buong Samar Provinces, Masbate, Sorsogon at Catanduanes.
Katamtaman hanggang malakas na ulan naman sa Albay, Camarines Sur at nalalabing bahagi ng Eastern Visayas.
Kaninang ala-1:00 ng hapon, huling namataan ang mata ng Bagyong Ambo sa bisinidad ng Oras, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 155 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 190 kph. Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa Sorsogon, Albay, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Catanduanes at southern portion ng Camarines Sur (Cabusao, Libmanan, Pasacao, Pamplona, Canaman, Magarao, Bombon, Calabanga, Camaligan, Gainza, San Fernando, Milaor, Naga, Tinambac, Siruma, Pili, Goa, Lagonoy, Garchitorena, Minalabac, Caramoan, Presentacion, Bula, Ocampo, Tigaon, San Jose, Balatan, Nabua, Baao, Sagnay, Bato, Nabua, Iriga, Buhi), Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City, Maydolong), at northern portion ng Samar (Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Matuguinao, San Jose de Buan, Catbalogan, Jiabong, Motiong, Paranas, Tarangnan, San Sebastian, Hinabangan), at Biliran.
Signal No. 2 naman sa Camarines Norte, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Quezon, Marinduque, northernmost portion ng Leyte (Calubian, San Isidro, Tabango, Leyte, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tunga, Alangalang, Sta. Fe, Palo, Tacloban City, Jaro) nalalabing bahagi ng Samar at Eastern Samar.
Signal No. 1 naman sa Aurora, southern portion ng Nueva Ecija (General Mamerto Natividad, Palayan City, Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, San Isidro, San Antonio, Cabiao, Bongabon, Gabaldon, General Tinio, Laur, San Leonardo, Peñaranda, Gapan City), Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon, Romblon, Bataan, Pampanga, nalalabing bahagi ng northern portion ng Leyte (Villaba, Kananga, Matag-ob, Palompon, Ormoc, Merida, Isabel, Ormoc City, Albuena, Pastrana, Dagami, Tanauan, Tabontabon, Tolosa, Barauen, Julita, Dulag), northeastern portion ng Capiz (Pilar), northeastern portion ng Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Batad), at Northern Cebu (Medelin, Daanbantayan, Madridejos, Bantayan, Santa Fe).
Mahigpit na nagbabala ang PAGASA sa mga residente ng nabanggit na apektadong mga lugar na maging napakaingat sa posibleng mga biglaang pagbaha at pagguho.