top of page
Search
Madel Moratillo​

20 pulis positibo sa COVID-19, EPD headquarters naka-lockdown


Isinailalim sa lockdown ang Eastern Police District (EPD) headquarters sa Pasig City matapos magpositibo sa COVID-19 ang may 20 pulis nito.

Ayon kay EPD Director Brig. Gen. Johnson Almazan, ang lockdown ay upang mabigyang daan ang gagawing disinfection operation sa kanilang headquarters.

Ang lockdown na nagsimula ngayong araw ay tatagal aniya hanggang sa Linggo.

Sinabi ni Almazan na ang mga pulis na nagpositibo sa virus ay naka-quarantine na.

Ang EPD ang nakasasakop sa mga Lungsod ng Pasig, San Juan, Mandaluyong at Marikina.

Matatandaang ang Camp Karingal, na headquarters naman ng Quezon City Police District (QCPD) ay isinailalim din sa lockdown matapos magpositibo ang 13 pulis nito sa COVID-19.

Samantala, nabatid na mayroon ng 179 pulis sa bansa ang nagpositibo sa virus na pawang mga kabilang sa frontliner sa laban sa COVID-19.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page