top of page
Search
Lolet Abania

Ventilators ipinatigil… 6 na pasyenteng may COVID-19, namatay sa sunog sa Russia


MOSCOW — Ipinatigil ng Russian health authorities ang paggamit ng ventilators na produced ng isang Russian state conglomerate, matapos na magkaroon ng sunog sa dalawang coronavirus hospitals at pumatay sa anim na covid-19 na pasyente, nito lamang nakaraang araw.

Noong Sabado, namatay ang isang pasyenteng may coronavirus sa Spasokukotsky Clinical Hospital matapos na magliyab ang ventilator at masunog ang ospital. Gayundin, lima ang nasawi nang makita ng isang doktor sa St. George Hospital sa St. Petersburg na biglang umapoy ang isa ring ventilator at tuluyang magkasunog sa lugar. Nag-evacuate din ang 150 katao sa naturang ospital.

Isang pangunahing proyekto ang Aventa-M ventilator na produced ng KRET, bahagi ito ng state-owned na Rostec, ang defense producer ng bansa na nagsasagawa ng military hardware.

Ayon sa kontrata ng gobyerno ng Russia, magsusuplay ang KRET ng 6,711 ventilators sa mga regional hospitals doon sa buong taon. Noong April, nag-increase ng produksyon ang kumpanya, kung saan mula sa 10 ay umabot na sa 100 kada araw ang nagagawang ventilator upang matugunan ang pangangailangan nito sa mga ospital.

Kamakailan, nag-order ang St. George Hospital ng mahigit sa 200 Aventa-M ventilators, na nagkakahalaga bawat isa ng $26,000. Subalit, matapos ang nangyaring sunog ipinatigil na ang paggamit nito.

Nakasama rin sa shipment ng medical supplies na ipinadala ng Russia sa United States ang Aventa-M ventilators noong April.

Ayon sa U.S. Federal Emergency Management Agency (FEMA) spokesperson, hindi naipamahagi ang mga ventilators bagkus ibinalik ang mga ito ng New York at New Jersey.

“There were held in reserve in case the situations in NY and NJ worsened,” sabi ng FEMA spokesperson. “The ventilators have not been deployed to hospitals. Out of an abundance of caution, the states are returning the ventilators to FEMA. The conclusion(s) of the investigation being conducted by the Russian authorities into the fire in St. Petersburg will help inform our decision regarding any future use of the ventilators.”

Gayunman, may mga report na lumabas na faulty wiring umano at multiple electrical devices na naka-plug-in sa isang ICU wards kaya nagkaroon ng malaking sunog.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page