top of page
Search
V. Reyes

OWWA Deputy Administrator Mocha Uson, iniimbestigahan sa fake news


Pinagpapaliwanag ng National Bureau of Investigation si Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Esther Margaux Uson alyas Mocha Uson kaugnay sa mga lumabas na fake news na mula umano sa kanyang kampo.

Inatasan si Uson ng NBI-Cybercrime Division na magpunta sa kanilang tanggapan, alas-10:00 ng umaga sa Mayo 18 makaraang padalhan ng subpoena.

Pinaghahain si Mocha ng kanyang ebidensiya bilang depensa sa mga alegasyon laban sa kanya.

Kabilang sa mga fake news na ipinalabas ni Uson ay ang umano'y hearing sa Senado kung saan mayroon siyang mga inilagay pang mga quotable remarks.

Gayundin ang iba't iba pang fake news na kanyang nai-share sa iba't ibang website.

Sa kabila na humingi ng paumanhin si Uson at tinanggal ang kanyang iba't ibang post, nagdesisyon ang NBI na isailalim pa rin siya sa imbestigasyon.

Matatandaang, inakusahan din si Uson bilang Queen of Fake news. (Mylene Alfonso

Sakaling mapagtibay ngayon sa 2nd reading ay nakatakda na itong isalang sa 3rd at final reading na posibleng maikalendaryo sa sesyon sa susunod na linggo.

Kung tuluyang maaaprubahan sa Kamara ay iaakyat ang panukala sa Senado at kapag naipasa sa Mataas na Kapulungan ay idadaan pa rin sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page