Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends
Pinaiyak ni Raffy Tulfo si Ivana Alawi kasabwat ang ilang staff ng Raffy Tulfo in Action at ang kapatid ng sexy actress na si Mona Louise Rey, pati na rin ang kanilang madir.
Photo: youtube @Raffy Tulfo in Action
Dahil knows naman ng lahat na isa si Ivana sa mga nag-abot ng tulong sa mga frontliners at iba pang nangangailangan ng tulong sa gitna ng lockdown sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga relief goods, ito ang ginamit ni Raffy para i-prank ang magandang aktres.
Panimula ni Raffy, “Ito po ‘yung ating huli at pang-apat na kaso. This should serve as a warning sa lahat kasama na po ako dito na kapag tayo po’y namimigay ng relief goods, kailangan pong siguraduhin nating maayos, malinis ‘yung ibinibigay natin, na hindi po kontaminado at alam natin kung saan galing itong mga ipinamimigay natin.”
Isang sumbong diumano ang natanggap ni Raffy mula sa isang ginang na nakaranas ng matinding pagkahilo, pagsusuka, panghihina at malalang pagdudumi kaya inireklamo si Ivana.
Gulat na gulat si Ivana at tanong niya, “Wait, ako ‘yung inirereklamo?”
Sabi naman ni Raffy, “Namigay ho ba kayo ng relief goods?”
Puzzled na puzzled si Ivana dahil ang akala raw niya ay guesting sa show ni Raffy ang dahilan ng pagtawag sa kanya ng team nito. Pero kinlaro ni Raffy na may nag-file ng complaint laban sa kanya na kailangan nilang mapagbigyan.
Dahil sa reklamo ng kasabwat ni Raffy na sa ipinamigay na sisig at bigas daw ni Ivana nila nakuha ang sakit, hinihingan niya ang sexy actress ng P200,000 para pambayad sa naging damage sa kanila.
Doon lumabas ang pagiging palaban ni Ivana with a heart.
Aniya, “Sir Raffy, sa akin po, okay lang po akong magbigay ng unang-una, ‘yung sa pang-ospital po niya. Kung ano po ‘yung gagastusin. Lahat po ng gagastusin niya sa ospital, sa pagpapagamot, wala pong problema sa akin, hindi na rin po kailangang umabot pa ng… Ayoko na rin po kasing palakihin pa ‘to, eh. So, I will take my responsibility and dahil siyempre, galing sa akin daw ‘yung may uod na sisig, eh, sige po, ‘yung panggamot sa ospital, wala pong problema sa akin ‘yun at bibigyan ko na lang din po siya ng tulong pangkabuhayan niya pero sobrang laki naman po ng hinihingi niya.
“Pero Sir, kung magbibigay po ako sa kanya ng P200,000, eh, mas pipiliin ko na lang pong ipamigay na lang po sa mga taong nangangailangan. Idemanda na lang po n’ya ako, okay lang po sa akin.”
Dahil pinalagan ni Ivana ang P200,000, ibinaba ng complainant sa P100,000 ang hinihingi niyang halaga.
Umiyak si Ivana dahil sa nabanggit ng complainant kuno na porke't mayaman daw ang aktres ay ganu’n na lang ang ipinamigay na relief goods.
Biglang nagulat si Ivana nang sabihin ng complainant na napanood n’ya ang paglalaba at pagka-car wash ng aktres at biglang tumawa nang malakas si Mona at sinabing prank ang lahat.
Komento tuloy ng mga netizens, “She responds with class and she proves that she has a genuine heart for her family.”
“You could see how Ivana was controlling her emotions despite of the complainant’s nonsense replies.”
***
HIRIT NG NETIZEN: COCO AT KIM, PINAGTATAWANAN NG MISMONG MGA CO-STARS DAHIL SA SABLAY NA PINAGSASASABI
Proteksiyon para kina Coco Martin at Kim Chiu ang hiling ngayon ni Angel Locsin matapos makapagbitaw ng maaanghang na salita ang dalawang Kapamilya stars dahil sa pagsasara ng ABS-CBN Network na naging dahilan kaya katakut-takot na bashing at hateful words ang ibinabato sa kanila ng mga tao.
Ipinost ni Angel sa kanyang Instagram account ang piktyur nina Coco at Kim na may caption na: “I pray for protection for the both of you. I know your intentions are pure and thank you for standing up for what you believe in.”
Komento naman ng mga netizens sa naturang post ni Angel: “I am sure, ‘yung ibang artista ng ABS, pinagtatawanan nang patago sina Kim Chiu at Coco Martin, hahaha!”
“Protection for what? Duhh. Hahahaha, bina-bash lang sila sa mga walang kuwenta nilang pinagsasabi. Pero ‘di naman ‘yan ipapapatay ng nakakataas, ‘di naman ganu’n kababaw sila para patulan ‘yang dalawang non-sense na ‘yan! Hahaha! OA sa post caption.”
“Bakit papatayin ng mga tao? Puwede ba. Nakakairita na kayo. Sila ang nagsasalita ng mali, sila pa ang biktima ngayon.”