top of page
Search
Shane Ludovice

Iba’t ibang problema sa ari na dapat malaman ng kalalakihan

Dear Doc Shane,

Ako ay may diabetes at may napapansin akong kakaiba sa aking ari. Nais kong malaman kung may kaugnayan ba ito sa pagiging diabetic ko? - Edwin

Sagot

Ayon sa eksperto, nasa 50% hanggang 80% ng kalalakihan ang nagkakaroon ng problema sa kanilang prostate oras na tumuntong ito sa edad 40.

Ang prostate ang responsable sa pagpo-produce ng enzyme na nakatutulong sa paggalaw ng sperm.

Naaapektuhan nito ang pag-ihi ng indibidwal na maaaring nakakaistorbo na sa kanyang pang-araw-araw na gawain, maging sa kanyang pagtulog.

Dahil dito, isyu na rin sa kalalakihan ang kawalan ng libido o gana sa pakikipagtalik dahil nawawala maging ang istamina at kumpiyansa sa sarili.

Nasa 66% ng kalalakihan na may problema sa prostate ay nakararanas ng erectile dysfunction.

Paliwanag pa na ilan sa iba pang sanhi nito ay mga sakit na sumisira sa ugat ng indibidwal tulad ng diabetes, hypertension at iba pang sakit sa puso dahil naaapektuhan nito ang pagtigas ng ari ng lalaki.

Magamot man ito, nasa 1/3 o 33% lang nila ang nasosolusyunan ang problema sa pakikipagtalik.

Problema rin ng kalalakihan ang premature ejaculation kung saan sa pakikipagtalik ay maagang nilalabasan ang lalaki kahit hindi pa niya gusto.

Dahil dito, nawawalan ng satisfaction ang lalaki lalo na sa pakikipagtalik.

Isyu rin sa kalalakihan ang impotence o pagkabaog.

Samantala, kung may menopause ang kababaihan, nakararanas naman ng andropause ang kalalakahian.

Ang andropause ay ang pagbaba ng produksiyon ng testosterone sa lalaki na nakababawas sa kanilang sigla sa buhay-pakikipagtalik.

Subalit, hindi naman ito pinagdadaanan ng lahat ng lalaki.

Kung may kakaiba kayong nararamdaman o nararanasan sa inyong ari, huwag mag-atubiling magpakonsulta sa espesyalista (urologist) nang sa gayun ay malaman ang sanhi ng nararamdaman at mabigyang-lunas kung kinakailangan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page