top of page
Search
Erlinda Rapadas

Coleen, dinugo dahil sa stress sa COVID-19

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Lorna at Boy, napaghandaan na ang pagsasara ng ABS-CBN

Kung saka-sakali na magtatagal pa ang ating pakikibaka sa COVID-19 at hindi na maibabalik sa dati ang normal nating pamumuhay, may nakahanda nang Plan B sina Lorna Tolentino at King of Talk Boy Abunda na magiging fallback nila kapag hindi na sila gaanong aktibo sa showbiz.

Balak ni Lorna na mag-full-time na sa pagpa-farm sa nabili niyang lupa at plano niyang dagdagan ang mga gulay at prutas doon. Nai-enjoy naman ni LT ang buhay sa farm.

Samantala, ang TV host namang si Boy ay may nabili ring property sa Lipa, Batangas. Nagtayo na siya roon ng rest house.

Ngayon, gusto niya na mag-full-time na sa farming at ito muna ang aasikasuhin niya hangga't nakasara pa ang ABS-CBN at may COVID pandemic, plus may enhanced community quarantine pa.

Gustung-gusto ni Kuya Boy ang farming at sa kanyang resort siya pumupunta kapag gusto niya ng magaan at stress-free na kapaligiran.

***

DINGDONG, AMINADONG 'DI MAKALIMUTAN ANG GINAWA NILA NI RHIAN 10 YEARS AGO

Labis na ikinatuwa ng Primetime King na si Dingdong Dantes ang pagbabalik sa ere ng Pinoy version ng K-dramang Stairway to Heaven kung saan ang leading lady ay si Rhian Ramos.

Taong 2009 noong umere sa GMA-7 ang Stairway to Heaven.

Maraming viewers na sumubaybay sa love story noon nina Jodi (Rhian) at Cholo (Dingdong) ang pinaiyak ng serye.

Nakasama nila rito sina Jean Garcia, Glaiza de Castro, TJ Trinidad, Jestoni Alarcon, Sandy Andolong, Barbie Forteza at Joshua Dionisio, ganu'n din sina Jake Vargas at Joana Marie Tan.

Sina Barbie at Joshua ang gumanap noon na young Jodi at Cholo.

Sampung taon na ang lumipas pero sa tuwing maririnig ang theme song ng Stairway to Heaven na kinanta ni Faith Cuneta, muling nagbabalik sa alaala ng mga viewers ang mga unforgettable scenes nina Jodi at Cholo.

Sey nga ni Dingdong, "Very memorable sa akin ang Stairway to Heaven dahil isa ito sa mga paborito kong serye na nagawa sa GMA Network. Sa Stairway to Heaven ako nanalo ng acting award (Star Awards for Television) at naging nominee rin sa Asian TV Awards."

***

Heart, OA ang pagka-KSP, todo-yabang ng mga mamahaling damit

Todo-depensa ang mga fans at supporters ni Heart Evangelista sa mga bashers na lagi na lang pinagdidiskitahan ang mga sosyaling OOTD ng Kapuso actress.

Kung marami ang natutuwa at ginagaya ang pagiging fashionista ng misis ni Governor Chiz Escudero, meron namang nanggigigil sa inis dahil sa sobra raw ang kaartehan ni Heart. Kakain lang ng pansit canton, eh, ang OOTD pa ay aakalain mong rarampa sa Paris Fashion Show.

Gusto lang daw idispley ng aktres ang kanyang mga designer clothes. At pati raw ang mga alagang aso ni Heart, mga mamahalin din ang mga damit na ipinasusuot niya.

Well, likas na fashionista si Heart at kaligayahan na niya ang magsuot ng mga designer's outfit, bags, shoes at pati mga accessories. Wala naman siyang inagrabyadong tao at perang pinaghirapan naman niya ang kanyang ibinili.

Kasalanan ba ni Heart kung may mga mamahalin siyang gamit? At nagse-share siya ng kanyang blessings dahil regular siyang donor sa Kapuso Foundation at nagdo-donate din ng mga food packs at PPEs sa mga ospital ngayong may COVID pandemic.

***

COLEEN, DINUGO DAHIL SA STRESS SA COVID-19

Mabuti naman at itinigil na pala ni Billy Crawford ang kanyang paninigarilyo at pag-inom simula nang mabuntis ang misis niyang si Coleen Garcia. Ang doctor mismo nina Billy ang nag-advise na kung desidido na siyang maging tatay, dapat ay alisin na niya ang mga toxins niya sa katawan na dulot ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Naging masunurin naman si Billy dahil gusto niyang maging healthy ang panganay nila ni Coleen.

Handa si Billy na magsakripisyo at i-give-up ang kanyang mga bisyo dahil gusto niyang maging isang mabuting ama.

Samantala, may mga nagpapayo kay Coleen na iwasang malungkot at ma-depressed dahil hindi ito maganda sa isang buntis.

Nagkaroon ng mild spotting si Coleen sa unang semester dahil na-depressed siya nang lumaganap ang COVID pandemic kaya advise sa kanya ng kanyang OB Gyne ay mag-relax-relax lang.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page