top of page
Search
Lolet Abania​

Babala sa pagluluwag ng restriksyon, mas delikado sa "second wave" ng covid-19


Nagdiwang kamakailan ang South Korea, ang dahilan nito, bumagsak ang bilang ng may Covid-19 sa bansa. Nagbalik-operasyon ang maraming negosyo. Nagbukas na ang mga bars. Subalit, dahil sa isang hindi sinasadyang 'party animal' nabalewala ang lahat ng kanilang nasimulan.

Lubhang nakahahawa talaga ang virus kaya itinuturing na itong global pandemic. Isang paalala sa lahat ng mga bansa, ang ginawa ng "superspreader" na naganap sa Seoul, kamakailan.

Gayundin, isang babala ito sa maaaring mangyari kapag nagsimula na ang pagluluwag sa lockdown at pagbabawas ng restriksyon sa iba't ibang panig ng mundo, tulad ng gagawin na rin ng Australia.

Ilang araw pa lang ang nakalipas, matapos magbukas ulit ang 2100 nightclubs at bars, kung saan ang capital ng South Korea ay nagbigay ng direktiba ng muling pagsasara ng mga ito. Halos 6000 venues sa kalapit na probinsya ay ipinasara na rin.

Nitong weekend, inireport ng health system ng naturang bansa ang biglaang pagtaas ng mahigit sa 40 bagong kaso ng coronavirus. Ito ang unang insidente na nagtala ng napakataas na kaso sa loob lamang ng isang buwan.

Agad na kumilos ang mga contact tracers dahil dito. Tanong tuloy ng marami, ano ang sanhi ng nakababahalang pangyayari?

Lumabas sa report, na ito ay dahil sa isang 29-taong-gulang na lalaki.

Desperado ang lalaki sa mahaba niyang buhok, matapos ang confinement o pananatili sa bahay ng matagal na panahon.

Nagpunta ang lalaki sa isang epic pub crawl upang mabawi raw ang mga nasayang na oras dahil sa pagtigil sa bahay.

Gayunman, tinatayang 12 kapwa partygoers ang na-infect ng lalaki. Ang 30 iba pang infected ay iniuugnay sa limang nightclubs na kanya ring binisita. Higit-kumulang 7,200 katao ang maaaring na-exposed sa virus.

Sa kasalukuyan, ang South Korea ay kumikilos na para sa mas mapanganib na "second wave" ng pandemic.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page