Bea, umaming idol si Angel kaya ginaya sa pagtulong sa mga drayber
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_6500f0791c5b42a189601cd683bbd326~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_6500f0791c5b42a189601cd683bbd326~mv2.jpg)
Natuwa ang mga nakapanood ng TV Patrol nang malaman nilang nabigyan ng tulong ng grupo ni
Kapamilya star Bea Alonzo na I Am Hope ang mga nanlilimos na jeepney drivers.
Napanood pala ni Bea ang mga nanlilimos na drivers sa TV Patrol at naantig ang puso niya sa kabila
ng kanyang pinagdaraanan.
Sa Instagram account ni Bea ay ipinost niya ang dahilan kaya nagpaabot siya ng tulong through I
Am Hope head at kaibigan niyang si Rina Navarro sa mga nanlilimos na jeepney drivers.
"I recently lost a very close relative, hindi madali, mabigat sa dibdib," panimula ni Bea sa kanyang caption sa piktyur na ipinost niya.
"While at home and grieving, my friend Rina, sent me a video from TV PATROL yesterday about the jeepney drivers out in the streets begging for money to feed their families. They have lost their source of income because of the pandemic.
"Minsan kapag mabigat ang loob mo at pakiramdam mo, pinagsakluban ka ng mundo, may magpapaalala sa 'yo na may puwede kang gawin para may magbago..
"From the bottom of my heart, I’d like to thank my co-founder of I AM HOPE ORG, @thisisrinanavarro for risking her life by being out in the field to help those who are in need.
"Thank you @abscbnnews for paving the way for us to reach these people."
Kabilang sa mga nag-comment sa IG post ni Bea ang mga kaibigan niyang celebrities gaya nina
Anne Curtis at Angel Locsin.
"(raising hands emoji) to your whole team, Bei," comment ni Anne.
Reply naman ni Bea kay Anne, "Thanks, Anne."
Comment ni Angel, "Thanks, Bea."
Sumagot din si Bea kay Angel, "Ikaw ang idol forever, Gel! Love you!"
***
ANGELICA: 'DI ABS-CBN ANG KALABAN KUNDI ANG COVID-19 AT KAWALAN NG TRABAHO
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_82deb109a135438c8155a5b5be1f0a6c~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_82deb109a135438c8155a5b5be1f0a6c~mv2.jpg)
For the second time ay ginanap ang #LabanKapamilya gathering ng mga Kapamilya stars online through Angel Locsin's Facebook page last night.
Isa sa mga artistang nagpahayag ng kanyang saloobin sa pagpapasara sa ABS-CBN kagabi ay si Angelica Panganiban. Dito binalikan ni Angelica ang kanyang pagiging ampon.
"Para po sa mga hindi nakakaalam, ako po ay ampon. Lumaki po ako sa isang pamilya na hindi ko naman kadugo. Pero ni minsan, hindi ko po naramdaman na hindi nila ako kapamilya, kahit pa hindi ko sila kadugo," bungad ni Angelica.
Ikinumpara niya ang pagkupkop sa kanya ng mga 'di niya tunay na kadugo sa ipinalasap sa kanya ng ABS-CBN Network.
"Niyakap nila ako nang buung-buo, tinanggap kung sino ako. Sila ang nagturo sa akin kung paano manindigan, kung paano maging tunay at magbigay ng galing sa puso.
"Kaya bilang ganti, nais ko lang talaga na ibalik lahat ng natutunan ko. Isa na roon ang pagbibigay-serbisyo at tulong sa kapwa Pilipino," lahad pa ni Angelica.
Kaya raw siya humarap at nagsalita ay dahil sa nararamdaman niya na agam-agam at walang katiyakan na kalagayan ng bansa.
Hinikayat din ni Angelica na ipaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan sa pamamahayag para mailabas din ang kanilang saloobin.
Ipinaalala rin ni Angelica sa publiko na hindi ang ABS-CBN ang kalaban nila.
Aniya, "Hindi po ang mga artistang nagpapahayag ng kanilang saloobin ang kalaban ngayon. Ang isyu ay free mass testing.
"Ang isyu ay ang pagbibigay ng ayuda para sa mga nangangailangan. Ang isyu po ay ang pagiging handa ng ating health care system sa gitna ng pandemya.
"Ang isyu ay ang kawalan ng trabaho ng milyun-milyong Pilipino. Ang isyu ay kung saan kukuha ng pagkain ang bawat pamilya."
Diin pa niya, "Hindi po ABS-CBN ang kalaban. Virus ang kalaban. 'Yan ang kailangang sugpuin. 'Yan ang kailangan nating sagutin."