Nakatakdang maglabas ng show cause order ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa nasa 30 alkalde sa mga lugar na naging mabagal ang pamamahagi ng cash assistance sa mga benepisyaryo sa ilalim ng social amelioration program.
Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, pagpapaliwanagin ang nasabing mga mayor kung bakit hindi nila nasunod ang ibinigay na palugit sa distribusyon ng cash aid noong Mayo 10.
“Para po dito sa mga lugar na naging mabagal ang distribusyon ng SAP, nag-utos na po si Secretary Eduardo Año na magpalabas show cause orders sa 'di lalagpas na 30 mayor sa buong bansa,” ani
Malaya sa Laging Handa public briefing.
Una nang sinabi ng DILG na susundin nila ang due process sa imbestigasyon sa mga lokal na opisyal na mabibigong makumpleto ang distribusyon ng tulong pinansyal bago ang deadline.
Samantala, 4,593 OFWs ang nakakuha na ng quarantine certificate matapos makumpleto ang 14-day quarantine sa mga pasilidad sa greater Manila area.