Nasa 171 overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi sa bansa ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019, habang nananatili sa mga quarantine centers.
Ayon kay COVID-19 response chief implementer Carlito Galvez, Jr., natanggap na ng mga awtoridad ang 5,439 test results mula sa 12,000 specimen na ipinadala sa mga testing laboratories ng Philippine Red Cross.
Aniya, may kabuuang 20,569 OFWs na nasa mga quarantine centers ang nakuhaan na ng swab para masuri.
Paglalahad pa ni Galvez, 5,268 ang nagnegatibo, habang 4.4% ng initial tally ang mga positibong kaso.
Samantala, 4,593 OFWs ang nakakuha na ng quarantine certificate matapos makumpleto ang 14-day quarantine sa mga pasilidad sa greater Manila area.